5 kidnaper dakip sa pagpatay sa kinidnap na ex-Bokal

MANILA, Philippines - Limang kidnaper na res­ponsable sa pagdukot at pagpatay sa  isang dating board member ng lalawigan ng Albay na si Jose Saribong ang nasakote ng mga elemento ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isinagawang follow-up operations sa lalawigan ng Rizal.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Mark Stanly Banghulot, Teody Manghuyop, Randie Tagalogon, Roger Escropolo at Roger Merabite.

Natukoy ang mga suspek na responsable sa pagdukot kay Saribong noong Ene­ro 23 sa Golden Meadows Avenue sa Brgy. Mayamot, Antipolo City na sa kabila nang pagbabayad ng P30 milyon ransom ng pamilya ay pinatay pa ito at nadiskubreng itinapon noong Pebrero 2 sa isang lugar sa Cogeo, Antipolo City.

Gayunman ay lumilitaw na P890,000 lamang ang naipadala ng pamilya nito sa account ng isa sa mga kidnappers.

Ang biktima ay kasama ng driver nitong si Jimmy Palermo na lulan ng Mercedes Benz C200 Sedan (ZKV 600) na bumabagtas sa lugar nang harangin ng mga kidnapper na sakay naman ng kulay abong Sport Utility vehicle.

Ayon kay PNP-AKG Director P/Sr Supt. Renato Gumban, binaril ng isa sa mga suspek ang driver ng biktima  at puwersahan itong isinakay sa kanilang behikulo na tumahak sa hindi pa malamang destinasyon. Nasawi sa insidente ang driver.

Isa naman sa mga kidnapper na si Randy Tagalogon ang nakonsensya at ikinumpisal sa mga otoridad ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakarekober sa bangkay ng biktima.

Show comments