^

Police Metro

13-anyos hulog mula 12th floor

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Lourdes Hospital ang isang 13-anyos na binatilyo matapos itong mahulog mula sa ika-12 palapag ng isang condominium nang maglaro sa terrace unit kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang biktima ay nakila­lang si Joseph Emmanuel, 2nd year high school student ng Ateneo de Manila University (ADMU) at residente ng Unit 1403, Ilumina Residence, sa no. 46 P. Sanchez St., Sta  Mesa, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente dakong alas-5:14 ng hapon sa terrace ng Unit 1207, Ilumina Residence ay nakita ang biktima na naglalakad sa ibabaw ng terrace ng isang Korine Vitug, 12, estudyante, residente ng Unit 1122 ng nasabi ring condominium at ito umano ay kanyang sinaway.

Pinagbawalan  din umano ng isang Mely Villafrancia, 60, housemaid sa Unit 105, ang biktima na huwag  maglaro sa ibabaw ng terrace dahil baka ito mahulog.

Subalit, hindi umano nakinig ang biktima at  nagpatuloy sa paglakad nang pabalik-balik sa ibabaw ng terrace at ilang sandali pa ay nakita na lang itong nakalambitin sa iron grills.

Nagtangkang tulungan ni Vitug, at kaibigang si Joseph Yap ang biktima upang huwag mahulog, subalit hindi nila makayanan ang bigat nito,hanggang sa nangawit umano ang biktima  kaya nakabitaw sa pagkakahawak hanggang sa bumulusok sa ibaba.

Agad isinugod ang biktima sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng pagkakabali ng katawan.

Nagtataka ang mga otoridad kung paano napunta doon ang biktima gayung hindi naman ito doon umuukupa ng unit.

vuukle comment

BIKTIMA

ILUMINA RESIDENCE

JOSEPH EMMANUEL

JOSEPH YAP

KORINE VITUG

LOURDES HOSPITAL

MANILA UNIVERSITY

MAYNILA

MELY VILLAFRANCIA

SANCHEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with