MANILA, Philippines - Umabot sa liÂmang obrero ang nasawi sa pagbagsak ng scaffolÂding sa isang planta ng kuryente sa Pililla, Rizal kamakalawa ng hapon.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina EduarÂdo Fidel, Gregorio RiÂcalde, Jeffrey Sinag, Antonio Manguerra, at Roberto Mesias, pawang mga contractor ng SPC Malaya Power Corporation.Habang nasa 12 pa ang malubhang nasugatan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon noong Linggo nang maganap ang pagbagsak ng bakal na scaffolding na may 70 talampakan ang taas sa loob ng nasabing planta na matatagpuan sa Brgy. Malaya.
Lumalabas sa imÂbestigasyon na nililinis ng mga trabahador ang mga “smoke stack†o labasan ng usok ng planta nang bumagsak ang tinatapakan nilang bakal na scaffoldings.
Dahil sa taas ng scaffolding, nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa katawan ang mga mangagawa na nadagdagan pa nang bumagsak sa kanila ang mabigat na mga bakal.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung tumupad sa panuntunan sa kaligtasan ang kumpanya o sadyang nagkaroon ng kapabaÂyaan.
Pansamantalang itiniÂgil muna ng planta ang kanilang operasyon.