Ryan Bang kinasuhan ng tax evasion

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan noong taong 2010 at 2011 ay sinampahan kahapon ng kasong  tax evasion ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang Korean comediane na si Ryan Bang  o  Hyun Sung Bang sa tunay na buhay.

Sa record ng BIR, lu­mabas na hindi nag-file ng kahit  anong kita o percen­tage tax returns sa ahensiya para sa naturang mga taon si Bang bagamat kumita ito sa ABS-CBN Corp., Summit Publishing at Studio 23 ng halagang P3.05 milyon.

Sinasabing si Bang ay tumanggap ng P993, 451.59 noong 2010 mula sa ABS-CBN Corp. (P852,274.00), KP & PR & EMS, Inc (P58,823.53), Summit Pub­­lishing Company, Inc. (P2,352.94) at Studio 23, Inc. (P80,001.00).

Noong taong 2011, tumanggap si Bang ng P2.06 million mula sa ABS-CBN Corp. (P1.84 million), ABS-CBN Film Production, Inc. (P33,333.30) at Studio 23 Inc. (P185,555.77). 

Sa kasalukuyan, si Bang ay host ng ABS-CBN’s noontime show na “It’s Showtime” at Banana Split Extra Scoop tuwing Sabado. Si Bang ay mula sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010.

Show comments