Montero tinangay ng 2 manyak na carjacker
MANILA, Philippines - Pinaghihipuan muna ang isa sa 2 estudyanteng babae na sakay ng isang MitÂsubishi Montero (PKO-500) bago tangayin ang kanilang sasakyan sa Malate, Maynila at pagkatapos ay ibinababa sa madilim na bahagi ng Parañaque City kamakalawa.
Sa reklamo ng may-ari ng sasakyan na si John RoÂbert San Juan, 21, law student ng Lyceum of the Philippines University, dakong alas-8:00 ng gabi ay nakaparada ang kanyang sasakyan sa parking lot ng Estrada St, Malate at sakay sina Jennifer Schoeler, 26, ng Pusan, South Korea, nanunuluyan sa Casa Real, Real St., Makati City at Janina Nepomuceno, 20, nang tutukan sila ng baril ng dalawang suspek.
Nang makapasok ang dalawang suspek sa sasakÂyan ay tinalian ng sintas ng sapatos ang tatlong biktima saka sinamsam ang kanilang mga kagaÂmitan habang ang isa sa suspek ay pinaghihipuan ang maseselang parte ng katawan nito habang minamaneho ng kasamang suspek.
Pagdating sa ParañaÂque City ay pinababa ang tatlong biktima sa isang creek at pinasibat ang sasakyan.
Kaagad naman nag-report sa Police CommuÂnity Precinct (PCP) 7 sa Parañaque City ang tatlong biktima at inabisuhan na sa MPD-ANCAR magreklamo.
- Latest