MANILA, Philippines - Itinaas ng pamahaÂlaang South Korea ang bagong miÂnimum wage sa lahat ng mga manggagawa kabilang na rito ang mga dayuhan na nasa ilalim ng Employment Permit System.
Sa report na isinumite kay Labor and Employment Secretary Rosalinda DimaÂpiÂlis-Baldoz ni POLO KoÂrea Labor Attaché Felicitas Q. Bay, naÂkaÂsaad ang anÂnounÂcement ng Ministry of Employment and Labour (MOEL) na mula 1 EneÂro hangÂgang Disyembre 31, 2013, ang minimum daily wage ay 38,880 Korean won, para sa 8 oras na pagtratrabaho araw-araw, o ang kabuuang buwanang suweldo na KRW 1,015,740 Korean won (kaÂtumbas ng USD 958.00).
Ang bagong rate ay kumaÂkatawan sa 5.76 percent na mataas kumpara sa minimum wage rate noong 2012 na 36,640 bawat 8-hour na traÂbaho.
Gayunman, nilinaw dito na ang bagong minimum wage rate ay hindi maaaring ipatupad sa mga manggagawang may disabilities, sa mga nagÂtaÂtrabaho sa family busiÂnesses, domestic workers at mga maÂrino o seafarers.
Ang Minimum Wage Council ng Korea ay binuÂbuo ng mga kinatawan mula sa maÂnagement, labour, at pubÂlic interest, na karamiÂhan ay academicians at nagrereÂkomenda ng minimum wage rate sa Ministry of Labor ng KoÂrea.
Mula 2004 ay umaabot na ngayon sa 30,000 manggaÂgaÂwang Filipino ang nagtaÂtrabaho sa Korea.