Cebuana inatake ng ‘acetylene gang’

MANILA, Philippines - Inatake ng grupong “acetylene gang” ang isang sangay ng Cebuana Lhuil­lier Pawnshop na matatagpuan sa Mac­Ar­thur Highway, Barangay Dalandanan, Valenzuela City sa pamamagitan ng pag­daan sa mga kanal at pagbutas sa dingding nito na natuklasan kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, kina­uma­gahan nang madis­kubre ng guwardyang naka-duty ang naganap na panloloob sa naturang pawnshop ma­tapos makita dito ang isang malaking butas sa sahig.

Ayon sa pulisya, hu­mu­kay ng malalim ang mga suspek at dumaan ang mga ito sa tunnel hang­gang sa nakapasok ang mga ito sa nabanggit na estab­lisimyento at ma­layang natangay ang mga pera, alahas at mahaha­lagang kagamitan.

Ayon kay Valenzuela City Police chief of police, Senior Superintendent Roderick Armamento,  posibleng dakong  ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng madaling-araw  isinagawa  ang panloloob.

Show comments