MANILA, Philippines - Mas pinili pa ng isang lalaki na magÂpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa ilog Pasig kaysa paaresto sa mga barangay tanod naganap kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.
Ang biktima ay nakilalang si Benedict Soriano, 25, ng Bldg. 5 Phase IV, Guadalupe Bliss, Bgy. Pembo, Makati City ay natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig sa likuran ng Save More Market ng nasabing lugar dakong alas-8:20 ng umaga.
Bago nangyari ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at mga barangay tanod dahilan upang arestuhin ito.
Nang aktong dadalhin ang biktima ng mga tanod ni Kagawad Gary Valdez ng Brgy. Pembo ay pumalag ang una at lumakad papuntang ilog saka ito tumalon at nagsalita pa ito na “hindi ako sasama sa inyo, kayo ang sumama sa akinâ€.
Mula noon ay hindi na nakita ang biktima hanggang kahapon ng umaga ay natagpuan ang bangkay nito na nakaÂlutang sa nasabing lugar.
Bagama’t duda ang pulisya sa pagÂkamatay ng biktima ay wala na itong nagawa matapos na tumanggi ang pamilya nito na ipa-autopsy ang bangÂkay.
Nagtataka naman ang pulisya kung bakit hindi sinagip ng mga barangay tanod ang biktima nang ito ay tumalon sa ilog at pinabayaan na lamang na malunod ito.