^

Police Metro

Trader inutas sa harap ng ‘pares’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang ‘Pares’ na tindahan binaril at napatay ang isang negos­yante sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na si Fran­co Lucero Banoc, may asa­wa, tubong Baybay, Leyte at residente ng  #1725 Agon­cillo St., Malate ay agad na nasawi sa pinang­yarihan ng krimen dahil malapitang binaril ng isang hindi pa nakikilalang salarin.

Sa ulat ni PO3 Crispin Ocampo kay P/Sr. Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:45 ng gabi nang ma­ganap ang pamamaril  sa harapan ng tindahan ‘pares’ ng biktima.

Sinamantala umano ng suspek ang pagiging abala sa pagtitinda ng biktima nang siya ay lapitan at ba­rilin sa mukha.

Nang makitang nakahandusay na ang biktima at matiyak na wala ng buhay ay nagtatakbo na ang suspek pero hinabol siya ng mga tambay.

Sa gitna ng habulan ay naiwan ng suspek ang dala niyang bag kung saan nakalagay ang baril na ginamit sa krimen.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng pulisya sa naganap na krimen upang matukoy, madakip at mabatid ang motibo ng krimen.

 

BAYBAY

CRISPIN OCAMPO

CRUZ

FRAN

ISMAEL

LUCERO BANOC

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with