Pagbabalik sa Phl ng Aman boss, tiniyak
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng MaÂlaÂcañang na gagawin nila ang lahat ng paraan para maibalik sa bansa si Aman Futures Pyramiding boss Manuel Amalilio.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, na maÂging sila ay nasorpresa ng maÂantala ang pagbabaÂlik sa bansa ni Amalilio maÂtapos haraÂngin ng ilang opisÂyal sa Malaysia.
Hindi aniya titigil ang Department of Justice, NaÂtional Bureau of InvestiÂgation at maging ang Department of FoÂreign Affairs para matiyak na maibabalik sa bansa si Amalilio.
Sinabi ni Valte, kumÂpleto ang hawak na papeÂles ng mga awtoridad para maibalik sa bansa si AmaÂlilio.
Inamin din ni Valte na hindi pa rin nila alam ang dahilan kung ano ang naging basehan para hindi maibalik sa bansa si Amalilio.
Ginagawa na rin umano ng mga awtoridad ang paraan para mai-freeze ang mga bank accounts ng mga lider ng Aman Futures.
Samantala, inihayag ni DILG Sec. Manuel Roxas II na walang mangyayaring ‘tug of war ‘ sa paÂgitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Malaysia sa kustodya ng wanted na pyramiding boss na si Emmanuel Amalilio na nahuli sa Kota, Kinabalu kamakailan.
- Latest