MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na may dalawang banyagang terorista na miyembro ng Jemaah IslaÂmiyah (JI) ang napatay sa bansa bago matapos ang taon 2012.
Ang una ay napaslang umano noong Nobyembre 21, 2012 ang isang nakilaÂlang Ibnu Gholib Al-Jitlio (Ustadz) Sanusi na isang Indonesian na pinaghihinalaang senior member ng JI sa Marawi City.
Ang ikalawa naman na napaslang noong Disyembre 14 ay kinilalalang si Noor Fikrie Kahar na isa namang Malaysian naÂtional na miyembro din ng JI.
“Kung matatandaan ninyo, he attempted to detonate an improvised explosive device sa isa pong hotel sa Davao City. ‘Yung asawa po nito na Pilipina, si Anabelle Nieva Lee, remains in the custody of the authorities at under judicial process na po siya. So ito ho ‘yung confirmation po natin,†pahayag pa ni Valte.
Idinagdag ni Valte na si Ibnu Gholib Al-Jitli o alias Sanusi, bago dumating sa Pilipinas ‘nung 2006 ay nasangkot sa pagpugot sa ulo ng tatlong batang babae noong 2005 sa Sulawesi, Indonesia.
Ayon kay Valte ipinaÂkikita lamang nito na serÂyoso talaga ang gobyerno na sugpuin ang mga teroÂristang nasa bansa.