Transparency sa buwis ng mining firms hiniling

MANILA, Philippines - Ilantad nang buo ang binabayarang buwis ng mga kompanya sa pagmimina upang matiyak ang masinop na paggamit ng mga yamang mineral ng bansa.

Ito ang panawagan ng Extractive Industries Transparency Initiative (EITI), isang koalisyon ng iba’t ibang gobyerno, mga kompanya, civil society groups, investors at mga pandaigdigang organisasyon, sa pamahalaan ng Pilipinas

Ayon kay Atty. Doris Gasgonia, opisyal ng EITI na sa mahinang pamamahala at kakulangan ng transparency ay hindi natatamo ng mga bansang mayaman sa pinagkukunan ang resulta o bunga ng paghuhukay sa kanilang mga yamang mineral at may 18 bansang kasalukuyang tumutugon sa patakaran ng EITI ngunit wala mula sa Asya.

Kandidato ang Indonesia na mapasama sa listahan pero may kukumpletuhin pang pa­ngangailangan at wala ang Pilipinas kahit sa listahan ng mga kandidato.

Sinuportahan naman ni Sagittarius Mines, Inc. (SMI) general mana­ger Mark Williams ang panawagan ng EITI na pandaigdigang istandard sa promosyon ng transparency sa revenue payments mula sa sektor ng resources.

Ang SMI ang kinon­trata ng gobyerno para sa panukalang $5.9 billion Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato na tinata­yang mag-aambag ng P250 bilyong buwis sa gobyerno sa loob ng 17 taong operasyon na kung maaaprubahan ang proyekto magsisimula ang tatlong taong cons­truction phase nito sa 2015 na mangangaila­ngan ng hanggang 10,000 manggagawa.

 

Show comments