^

Police Metro

Malaysian nalunod sa alak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkalunod umano sa alak ang dahilan ng pagkamatay ng isang Malaysian national na natagpuang wala nang buhay sa inuupahang silid sa isang hotel sa Pasay City ng kaibigan nito na isang ring dayuhan kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay nakila­lang si Khoo Teck Bee, 35, empleyado ng GWI Business Solution at pansa­mantalang nanunuluyan sa Manhattan Condominium sa HV. Dela Costa St., Salcedo Village, Makati City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, magdamag na nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigang Singaporean national na sina Ho Gim Koon, Gary, 35 at Yew Hin Phang, 39 sa Route 66 disco sa Makati city noong Miyerkules ng gabi na inabot ng hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw na ng Huwebes.

Dahil sa kalasingan, sa tinutuluyang hotel na ni Yew Hin Phang sa Unit 748 Marriot Hotel na lamang nila pinatulog ang langung-lango na biktima.

Dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang magpasiyang luma­bas ng hotel upang kumain ang dalawang Singaporean at niyaya pa nila ang biktima, subalit tumanggi ito dahil sa masama pa umano ang pakiramdam.

Nang bumalik ang dalawang dayuhan pasado alas-9 ng gabi sa kanilang unit ay nagulat sila nang makitang nakatihaya na ang biktima at hindi na humihinga.

BUSINESS SOLUTION

DELA COSTA ST.

HO GIM KOON

KHOO TECK BEE

MAKATI CITY

MANHATTAN CONDOMINIUM

MARRIOT HOTEL

PASAY CITY

YEW HIN PHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with