MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang Canadian ang daÂlawang tao at pagkasugat ng isang assisÂtant proseÂcutor at pagkatapos ay nagbaril ito sa sarili sa loob ng Palace of Justice sa Cebu City kahapon ng umaga.
Pinagbabaril ni John Pope, 66, Canadian naÂtional sina Dr. Rene Rafols at abogado nitong si Jovian Achaz sa loob ng Korte at namatay noon din.
Matapos na mabaril si Rafols at Achaz ay nagÂtungo ang suspek sa MTCC Branch 1 at binaril si Assistant City Prosecutor Matet CaÂsiÂño na nasa kritikal na kaÂlaÂgayan sa Chong Hua HosÂpital.
Batay sa imbestigasÂyon, bandang alas-8:30 ng umaga sa Branch 6 sa ilalim ni Judge PaÂmela Barling Uy na nasa ikaapat na palapag ng nasaÂbing justice hall ay nililitis ang 6 counts ng maliscious mischief na isinampa ni Rafols sa suspek nang biglang piÂnagÂbabaril ang mga biktima bago pa magsimula ang pagdinig.
Ayon sa imbestigasyon, nagawang mailusot ni Pope ang isang 357 magnum maÂtapos na itago ito sa medyas ng pumasok sa court room.
Matapos gawin ang krimen ay nagbaril sa sarili matapos magtamo ng tama ng bala sa paa’t kamay mula sa mga pulis na pilit itong pinasusuko.
Ang suspek ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at biÂnawian ng buhay sa paÂgaÂmutan.
Nabatid pa na walang metal detectors na nakaÂkabit sa loob ng justice hall at kinapkapan lamang ng mga bantay dito ang nasabing suspek.
Samantala, nanawagan si Justice Secretary Leila De Lima sa lahat ng sangay ng korte sa bansa na higpitan ang seguridad upang hindi na maulit pa ang pamamaril.
Ang mga korte sa bansa at mga hukom ay nasa paÂngangasiwa ng Korte Suprema habang ang proÂsecutor na itinaÂlaga sa mga korte ay nasa ilalim naÂman ng paÂngangasiwa ng DOJ.