MANILA, Philippines - Kahit hindi pa simula ng kampanya para sa 2013 elections ay personal na inendorso ni Pangulong Benigno Aquino III ang senatorial candidates ng administrasyon sa mga CeÂbuano kahapon.
Niligawan ni PanguÂlong Aquino ang mga CeÂbuanos sa ginanap na pagÂbisita nito sa Cebu kahapon ilang araw bago ang kapistahan ng Sinulog festival.
Unang binisita ng Pangulo ang pormal na pagÂbubukas ng Austal Philippines Shipyard sa Balamban, Cebu saka ito nagtungo sa lungsod na ito upang iendorso ang senatorial candidates ng LP coalition.
Inendorso ng Pangulo kahit hindi pa simula ang election campaign sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Ramon Magsaysay Jr., Rissa Baraquel, Ma. Ana Consuelo Madrigal at Aurora Rep. Sonny Angara. Hindi nakadalo si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar pero naging kinatawan naman nito ang anak na si Las Piñas Rep. Mark Villar.
Hiniling ng Pangulo sa mga Cebuanos na tuluÂngan ang kanyang mga kandidato sa darating na May 2013 elections na maÂgiging katuwang niya ng pagsusulong ng mga panukala sa Senado upang tuluyang makamit ang inaasam na pag-unlad ng buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng ‘tuwid na daan’.