^

Police Metro

P-Noy inendorso ang senatorial candidates kahit bawal pa

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit hindi pa simula ng kampanya para sa 2013 elections ay personal na inendorso ni Pangulong Benigno Aquino III ang senatorial candidates ng administrasyon sa mga Ce­buano kahapon.

Niligawan ni Pangu­long Aquino ang mga Ce­buanos sa ginanap na pag­bisita nito sa Cebu kahapon ilang araw bago ang kapistahan ng Sinulog festival.

Unang binisita ng Pangulo ang pormal na pag­bubukas ng Austal Philippines Shipyard sa Balamban, Cebu saka ito nagtungo sa lungsod na ito upang iendorso ang senatorial candidates ng LP coalition.

Inendorso ng Pangulo kahit hindi pa simula ang election campaign sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Ramon Magsaysay Jr., Rissa Baraquel, Ma. Ana Consuelo Madrigal at Aurora Rep. Sonny Angara. Hindi nakadalo si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar pero naging kinatawan naman nito ang anak na si Las Piñas Rep. Mark Villar.

Hiniling ng Pangulo sa mga Cebuanos na tulu­ngan ang kanyang mga kandidato sa darating na May 2013 elections na ma­giging katuwang niya ng pagsusulong ng mga panukala sa Senado upang tuluyang makamit ang inaasam na pag-unlad ng buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng ‘tuwid na daan’.

ANA CONSUELO MADRIGAL

AURORA REP

AUSTAL PHILIPPINES SHIPYARD

CEBU

CYNTHIA VILLAR

KOKO PIMENTEL

LAS PI

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with