MANILA, Philippines - Kalaboso ang kinaÂhantungan ng isang magkasintahan matapos na mabuko ang kanilang modus operandi na “kidnap me†na nais lang kuwartahan ang magulang ng lalaki sa Parañaque City.
Ang magkasintahan na magkasamang nakakulong sa detention cell ng Parañaque City Police ay kinilalang sina Mary Grace Cabiling, 30, ng Brgy. San Isidro, na nahaharap sa kasong paglabag sa gun ban at ang nobyong si Neil Buenvenida, 32-nahaharap naman sa kasong “corruption of public officialâ€.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng hapon noong Linggo ay nagtungo sa istasyon ng Parañaque Police si CabiÂling para iulat ang pagdukot sa kanyang nobyo ng mga armadong lalaki at nanghihingi ng P300,000 ransom money.
Hinahanapan ng identification card si Cabiling, at aksidenteng sumungaw ang kalibre .32 na baril sa dalang handbag nito at nang siyasatin ay wala ring kaukulang lisensya ang naturang baril at walang permit to carry.
Nalaman ni Buenvenida ang pagkakaaresto sa kasintahan kaya’t lumantad na ito sa istasyon ng pulisya nitong Lunes ng umaga at tinangkang suhulan ng P100,000 ang may hawak ng kaso na sina SPO2 Reynaldo Arojado at SPO1 Christopher Bilangel.
Sa halip na masilaw sa pera, pinosasan ng dalawang pulis si Buenvenida at sinampahan ng kaso.
Lumalabas din sa imbestigasyon na minsan na ring ginawa ng magkasintahan ang paggamit sa pulisya sa pamamagitan ng paghingi ng spot report na kunwa’y dinukot ng armadong grupo ang lalaki upang makakuha ng malaking halaga ng salapi sa mga magulang nito.