Pumatay sa dermatologist, tiklo

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng dalawang araw nadakip na ng pulisya ng Quezon City ang pumatay sa isang bading na dermatologist noong Enero 11, 2013 sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Unit 32-F2, 2nd floor Bantay St., Brgy.Kaunlaran ganap na alas-12:00 ng hatinggabi.

Positibong itinuro ng isang testigo na isang pipi’t bingi ang suspek na nakilalang si John Patrick Torres, 28, na umano ay huling nakasama ng biktimang si Dr.Russel Fritz Saliganan bago ito natagpuang patay.

Naaresto si Torres, 26 sa may Gateway ng Ara­neta Center, Cubao nitong Linggo ng alas-3:30 ng hapon makaraan sa isinagawang follow-up operation ng tropa ng Criminal Investigation and Detection unit ng QCPD.

Ayon sa testigo na nakita niyang naglalakad ang biktima at suspek na magkahawak ang kamay habang bumibili ng alak sa isang tindahan, bago bumalik ng apartment.

Lumalabas sa imbesti­gasyon na selos ang motibo ng pagpatay ng suspek sa biktima dahil sa gusto na umano ng huli na hiwalayan ang una matapos makakilala ng isang lalaki.

Show comments