NBI-NCR chief sinibak
MANILA, Philippines - Matapos magkaroon ng barilan sa mismong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ay sinibak na kahaÂpon ni Justice Secretary Leila de Lima si NBI-NaÂtional Capital Region Director Manuel George Jularbal dahil sa command responsibility.
Nabatid na binaril ni Special Agent Nestor PasÂcual si Joselito Guillen na nasugatan sa ginanap na birthday party sa NBI comÂpound.
Maliban kay Jularbal, pinatatanggal na rin ni De Lima ang mga miyembro ng NBI -NCR na kasama sa birthday party noong Biyernes ng gabi.
Lumilitaw na dahil sa impluwensiya ng alak piÂnaglaruan umano ni Pascual ang baril at ipinutok kay Guillen.
- Latest