MANILA, Philippines - Hinoldap na pinatay pa ang isang taxi driver ng dalawang hindi pa nakikilalang pasahero nito sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Franco, 31, may-asawa ng #112-B Cordillera St., Brgy. Lourdez Sta Mesa heights sa lungsod.
Natagpuang ang biktima na wala ng buhay at may tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan sa loob ng kanyang pinapasadang Hyudai Taxi (UVM-180) na may tatak na 1010 Trans, ganap na ala-1:45 ng madaling-araw.
Ayon kay SPO2 Greg Maramag ng CIDU, sa harap ng isang bahay sa #6 Daffodils St., Del Nacia 1, Brgy. Tandang Sora, natagpuan ang biktima habang sakay ng kanyang taxi.
Tinangay ng mga salarin ang kinita ng biktima sa kanyang pamamasada at iba pang importanteng kagamitan.
Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO), iniwan ng mga suspek ang patalim na giÂnamit sa krimen.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na nagtamo ang biktima ng multiple stab wounds na iba’t-ibang parte ng katawan at ulo na indikasyon na nanlaban ito sa mga suspek.