MANILA, Philippines - Inatake ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga kasamang senador bagaman ay hindi pinangalanan ay si Senate President Juan Ponce Enrile ang binabanatan nito sa isang lecture na ginawa sa Centro Escolar University, Maynila kahapon na kung saan siya ang pangunahing pandangal.
Sa lecture tungkol sa Charter change symposium ay binanatan ni Santiago, ang isang senador sa pagbibigay nito ng “Christmas gifts†sa ibang senador mula sa natipid na budget ng senado.
“Paano nangyari ito sa ating bansa na ang pera ng bayan ay puwede nang gamitin na personal gift ng pangulo ng opisina?†wika nito.
Hindi nito tahasang pinangalanan si Enrile, sinabi ni Santiago na isa sa kaniyang mga kalaban ay “matanda na mahilig manligawâ€.
“Hamon ko sa kanila, magdebate kami dito sa CEU. O’gusto nila mag-boxing na lang kami….let’s compare…who has the most beautiful legs. Mag shorts sya, mag shorts din ako,†sabi ni Santiago.
Ikinuwento pa ni Santiago na minsan umano ay nanligaw ang kaniyang ‘matandang kalaban’ at sinabi nito na sa nililigawan nasa dugo talaga nila ang pagiging guwapo. Pero sumagot umano ang babae ng “Bakit sa dugo lang bakit hindi napunta sa mukha mo?â€
Hindi rin nakaligtas sa patutsada si Senate Majority Leader Vicente “Tito†Sotto III ng payuhan nito ang mga estudyante ng CEU na huwag mangoÂngopya upang hindi matulad sa isang senador na nangongopya sa Senado.
Kahit na hindi pinaÂngalanan ni Santiago si Sotto, isa sa mga isyung ibinabato dito ay ang “plagiarism†matapos akusahan na nangopya ng speech ng ibang tao.
Hindi rin pinalampas ni Santiago ang pagkakataon para pag-usapang muli ang kontrobersiyal na P1.6 milyong karagdagang “additional maintenance and other operating expenses (MOOE)†na ipinamahagi sa 18 senador noong DisÂyembre 2012 na kung saan ay hindi siya kasama at Senators Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.
Kinuwestiyon ni Santiago kung ano ang criteria sa ginawang pamimigay ng pondo.
“Hinati-hati nila sa sarili nila tapos exempted kami. I don’t know what his criteria are. Ano kaya ang criteria nila, apat kami. Criteria ba nila beauty or sex appeal,†ani Santiago.