^

Police Metro

Tandem dedo sa barilan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis sa isang gun running battle ang dalawang lala­king holdaper na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Taytay, Rizal.

Ang dalawang napatay na suspek ay nakilala sa pamamagitan ng mga ID na nakuha sa kanila na sina Eric  Santos, 32 ng Blk. 39, Sitio Damayan, Floodway,
Brgy. San Juan, Taytay at Terensfel Argabio, 26  ng Brgy. Dalig, Antipolo City.

Batay sa ulat, bago nang­yari ang barilan da­kong ala-1:00 ng mada­ling-araw sa Tapayan Road, Barangay San Juan, Taytay, Rizal  ay hinoldap muna ng mga suspek ang da­lawang vendor na sina Helen Paular, 49 at Felicia­no Cesar, kapwa re­sidente ng Durian St., Sig­nal Village, Taguig City.

Pagkakuha sa kanilang pera ay agad humingi ng tulong sa Taytay police ang dalawang biktima na mabilis naman nires­pondehan at tinugis ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang makorner at sa halip na sumuko ay bumunot umano ang mga suspek ng baril at pinapu­tukan ang mga pulis. Gumanti naman ng putok ang pulis na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN JUAN

BRGY

DURIAN ST.

HELEN PAULAR

RIZAL

SAN JUAN

SHY

TAYTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with