MANILA, Philippines - Tinatayang 10-milÂyong deboto ng itim na Nazareno ang daragsa ngaÂyon sa pista ng Quiapo upang makiisa at sumama sa prusisyon.
Ayon sa pamunuan ng Simbahang Katoliko, taon-taon ay umaabot sa 10-milyon ang nakikiisa sa milagrosong imahe dahil sa paniniwalang dinidinig ng diyos ang kanilang mga kahilingan sa buhay.
Payo naman ng Department of Health (DOH) sa mga deboto ng Black NazaÂrene na sasali sa prusisÂyon na magdala ng sariling inuÂming tubig at kumain ng tama upang makaiwas sa ano mang aberya.
Sinabi ni Ona, mahalagang may sapat na tubig ang mga deboto upang maiwasan ang anumang dehydration.
Umapela rin ang health chief sa mga magulang na huwag ng magsama ng bata sa pagtungo sa pista ng Black Nazarene upang maiwasang masaktan dahil na rin sa dami ng tao na nagtutulakan.
Nakaalerto naman ang Philippine National Police (PNP) kung saan ay 10,000 security forces ang nakakalat ngayon upang magbantay at mangalaga ng seguridad ng mga deboto mula sa Quirino grandstand sa Luneta patungo sa Basilica Minore ng Quiapo Church.
Pangunahing magbabantay sa okasyon ay ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpapakalat ng 3,000 pulis bukod pa sa mga force multipliers mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA), traffic enforcers at mula sa mga Local Government Units (LGUs).
Ayon sa PNP, wala naman silang namomonitor na direktang banta sa pambansang seguridad na posibleng manabotahe sa okasyon.