MANILA, Philippines - Patay ang dalawang holdaper na sakay ng isang motorsiklo matapos itong makipagbarilan sa mga pulis nang hindi sila huminto sa isang checkpoint kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Palanas Road, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.
Nakilala ang isa sa napatay na suspek sa pamamagitan ng dala nitong lisensiya na si Erman John Collantes ng Block 2, Lot 21, Hyacinth Road, Molino Park, Bacoor City, Cavite habang ang backride nito ay inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng maÂdaÂling-araw ay nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya sa nasabing lugar nang mamataan ang paparating na isang motorsiklo na walang plaka.
Pinahinto ito ng mga pulis, subalit mabilis na pinasibat ang kanilang motorsiklo kung kaya’t hinabol ito.
Pinaputukan umano ng naka-backride ang mga humahabol sa pulis, dahilan upang magkaroon ng engkuwentro at makalipas ang ilang minuto ng putukan ay napatay ang dalawang suspek.
Narekober sa mga suspek ang isang Suzuki Raider Motorcycle na kulay itim, 2 kalibre 38 revolver, mga bala at iba pang mga personal na gamit.