^

Police Metro

Masaganang ani sa Isabela tiniyak

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang magiging problema sa suplay ng pagkain ang lalawigan ng Isabela kasama ang buong Hilaga at Gitnang Luzon dahil sa inaasahang masaganang ani ngayong 2013.

Ito ang inihayag ni Isabela Governor Bojie Dy, dahil sobra-sobra umano ang aanihing pananim ng kanilang lalawigan na hindi lang makakasapat kundi ma­laking tulong pa sa ibang probinsiya sa kanilang rehiyon.

Ayon pa kay Dy na bukod sa masisipag ang kanilang magsasaka ay maganda rin ang kanilang programa sa agrikulrutura kaya’t inaasahan ang magandang ani sa kabila ng mga nagdaang kalamidad at iba pang problema sa mga pananim.

Idinagdag pa ni Dy na ang tagumpay nila sa agrikultura ay dahil sa inilunsad nilang progra­mang BRO o Bojie-Rodito Opportunities na kung saan naglaan sila ng 9 point benefit package para sa maliliit na magsasaka.

Ang Isabela ay nagawaran ng Gawad Saka Award ng Department of Agriculture, topnotcher din sa produksyon ng palay at mais at may masiglang animal industry at maipagmamalaking fisheries sector.

Sinabi naman ni Vice Governor Rodito Albano na hindi pahuhuli ang Isabela sa  mga tagumpay sa iba’t ibang sector na nagawa ng Pamahalaang Panlalawigan dahil sa pagtutulungan at malasakit sa mga magsasaka.

 

ANG ISABELA

BOJIE-RODITO OPPORTUNITIES

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GAWAD SAKA AWARD

GITNANG LUZON

ISABELA

ISABELA GOVERNOR BOJIE DY

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

VICE GOVERNOR RODITO ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with