Baril ng opisyal ng barangay siyasatin sa pagkamatay ni Nicole

MANILA, Philippines - Isang residente sa Caloocan City ang humiling kahapon sa pulisya na inspeksiyunin din ang baril ng isang opisyal ng barangay  na nakakasakop sa lugar kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Stefanie Nicole Ella, 7-anyos  na ikinasawi nito.

Ang kahilingang ito ay matapos na hindi tumugma  ang bala ng baril ng dating sundalo na si Juan Agus na unang dinakip ng pulisya matapos na umamin na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa isang impormante na tumawag sa himpilan ng Caloocan City police na isang opis­yal ng Barangay 185 na umano ay may dalang baril ang  nakitang pagala-gala malapit  sa lugar ng bahay ni Nicole nang  oras na  tinamaan ito ng ligaw na bala.

Ang dahilan ng pa­nawagan ng naturang impormante ay dahil hindi nasama sa pagsusuri  ng mga pulis ang baril ng naturang barangay opisyal na pansamantala munang hindi binanggit ang pangalan. 

 

Show comments