Binata dedo sa resbak ng katutubo

MANILA, Philippines - Kamatayan ang iginanti ng isang katu­tubong Aeta sa isang binata na ma­tagal na nitong kaaway matapos na pag­tatagain sa leeg naganap kamakalawa sa Nueva  Valencia, Guimaras.

Halos lumaylay ang leeg at namatay noon din ang biktimang si Michael Gaquit, 28, residente ng Sitio Tuyo, Brgy. Pob­lacion ng bayang ito.

Arestado naman ang suspek na kinila­lang si Yunisio Palacios, 40, residente ng Calinog, Iloilo na dumarayo lamang sa lugar. Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen dakong ala-1:00 ng hapon sa Sitio Tuyo, Brgy. Poblacion, Nueva Valencia ay nakipag-inuman ang suspek sa ilang mga kalalakihan sa nasabing lugar.

Nang dumaan ang biktima na matagal na kaaway ng suspek ay sinundan ito at nang makatiyempo  ay bigla na lamang pinagtataga sa leeg na siya nitong ikinasawi.

Show comments