Meralco magbibigay ng refund
MANILA, Philippines - Magbibigay ng refund sa kanilang mga customer ang handog ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.
Inihayag ni Dina Lomotan, pinuno ng External Affairs ng Meralco, bukod sa refund ng aktwal na bill deposit na naibigay na noong isang taon ay maaari na ring i-refund ang interes nito ngayong buwan.
Aniya, padadalhan nila ng sulat ang mga kostumer nila hinggil sa refund ngayong buwan kasama ang interes.
Paraan umano ito ng Meralco upang mahikayat ang kanilang mga kostumer na magbayad sa due date.
Gayunman, nilinaw ni Lomotan na sakaling bigong makapagbayad o huli sa pagbayad ang isang customer sa takdang due date nito ay muli siyang
sisingilin ng Meralco ng bill deposit.
- Latest