Nasugatan sa paputok bumaba – DOH
MANILA, Philippines - Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba ang bilang ng mga nasugatan sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec.
Herminio Coloma Jr., na ikinatuwa ng Malacañang ang nasabing ulat.
Sinabi pa ni Sec. Coloma, magsasagawa ng assessment meeting si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang Department of Interior and Local
Government (DILG), DOH, PNP at BFP upang alamin kung nasunod ba ang kautusan ng Pangulo na paigtingin ang kampanya
laban sa mga bawal na paputok.
Wika pa ng kalihim, pinulong ng Pangulo ang ibat ibang ahensiya kasama
ang PNP at DOH upang masiguro na magiging mahigpit ang kampanya laban
sa paputok upang mabawasan ang mga firecracker injury sa pagsalubong
sa Bagong Taon.
Iniulat ng DOH na umabot ng 413 ang nasugatan o bumaba ng 17% ang mga
nasaktan sa paputok kumpara sa nakalipas na taon.
Inilunsad ng DOH ang iwas paputok program upang makaiwas sa disgrasya
ang mamamayan sa pagsalubong sa Bagong Taon kung saan ay hinimok ni
Health Sec. Eric Tayag na kaysa magpaputok ay magsayaw na lamang ng
“Gangnam Style” ang publiko.
- Latest