^

Police Metro

Presyo ng LPG inirolbak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang magandang Ba­gong Taon ang pasalubong ng LPG Marketer’s Association sa publiko sa kanilang ipapatupad na bawas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) eksakto alas-12:01 ng hatinggabi upang ma­ging buwenamanong pampabuwenas lalo na sa mga ina ng tahanan.

Sinabi ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty, nasa P2 kada kilo o P22 kada 11-kilong tangke ang kanilang ibababa na inaasahang positibong tatanggapin ng bawat tahanan na taliwas na ipinatupad kamakailan ng mga kumpanya ng langis na dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Papalo na lamang sa P648 hanggang P778 pagsapit ng 2013 ang kada 11-kilo ng tangke ng LPG buhat sa dating P670 hanggang P800 kada tangke.

Masusundan pa ang rolbak sa mga susunod na araw sa taong 2013 dahil sa patuloy na pagbaba sa contract price ng LPG sa internasyunal na merkado.

 

 

ARNEL TY

ISANG

KADA

KANILANG

LPG

MASUSUNDAN

PAPALO

SINABI

TAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with