^

Police Metro

Clark Airport, pinalitan ng DMIA

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa dating pangalan na Clark International Airport  (CIA) ay ginawa na itong Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ang paliparan sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Pampanga 1st district Rep. Carmelo Lazatin, ang pagpapalit ng pangalan ng CIA ay isinusulong sa House Bill 6699 na inaprubahan sa bisa ng Board Resolutiom, 07-08 ng Clark Development Corporation noong Hulyo 2001.

Ito umano ang panahon na ginugunita ang ika-91 na birth anniversary ni dating pangulo Diosdado Macapagal noong Setyembre 28, 2001.

Paliwanag pa ng mambabatas, ito ay bilang pagkilala na rin sa respetadong lider ng Pampanga at kauna-una­hang Kapampangan na naging presidente ng Pilipinas .

Ang mga Amerikano ang nagpangalan sa Clark Air Base bilang pagpupugay sa foreign aviation pioneer  na si Major Harold Clark ng US Army Signal Corps. na namatay sa seaplane crash sa Panama Canal noong 1919.

ANGELES CITY

ARMY SIGNAL CORPS

BOARD RESOLUTIOM

CARMELO LAZATIN

CLARK AIR BASE

CLARK DEVELOPMENT CORPORATION

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

DIOSDADO MACAPAGAL

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

HOUSE BILL

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with