MANILA, Philippines - Nasawi sa labas ng isang videoke bar ang family driver na si Raulito Ayano, 42, matapos itong barilin ng isang dispatcher na kanyang natitigan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Germando Malvar, 56, naninirahan sa Brgy. Old Balara.
Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Hukvet at Freedom St., ay galing sa bar ang biktima kasama ang pinsang si Danilo Maputol kung saan sila nag-inuman.
Ilang oras ang lumipas ay lumabas na ang magpinsan para umalis sakay ng isang Mitsubishi Montero Sport.
Subalit, habang papaalis, naispatan ni Ayano si Malvar na tumititig sa kanya kung kaya bumaba ito ng sasakyan at nilapitan ang huli.
Kinompronta ng biktima ang suspek na nauwi sa suntukan, hanggang sa tangkaing awatin sila ng may-ari ng bar.
Habang nasa kainitan ng suntukan ay biglang naglabas ng baril si Malvar at binaril sa likuran ang biktima.
Agad na bumuwal ang biktima habang si Ayano naman ay mabilis na sumakay sa isang Honda XRM motorcycle at tumakas.