Mag-ate inatado ng tiyuhin
MANILA, Philippines - Inatado ng taga ang isang mag-ate ng kanilang tiyuhin na ikinasawi ng isang 8-anyos na batang babae habang nasa kritikal na kondisyon naman ang ate nitong 15-anyos naganap kamakalawa sa Zamboanga City.
Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Anna, 8-anyos at Giselle, 15-anyos kapwa residente ng Brgy. Tolosa ng lalawigan. Habang ang suspek na tiyuhin ay tinukoy sa pangalang Crispin, 41-anyos na tumakas matapos isagawa ang krimen.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw kasalukuyang natutulog ang magkapatid nang pasukin ng suspek at isagawa ang krimen.
Nabatid na ang suspek ang pinagbabantay ng mga magulang ng mga bata sa kanilang mga anak dahilan kapwa ang mga ito vendor ng gulay sa palengke.
Kasalukuyan namang hinihintay ng mga otoridad ang resulta ng autopsy report upang mabatid kung positibong hinalay ng suspek ang magkapatid bago isagawa ang pamamaslang.
- Latest