Bata nahulog sa kanal dahil sa paputok

MANILA, Philippines - Aksidenteng nahulog sa kanal ng isang irigasyon at nalunod ang isang 8-an­yos na batang lalaki matapos itong magpaputok ng firecracker kahapon ng umaga sa Brgy. Amado, Pudtol, lalawigan ng Apayao.

Ang biktima ay kinila­lang si Jayboy Cariño, Grade II, residente sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon, mag-aalas-10:00 ng umaga ay nagkatuwaang magpaputok ang biktima at ilang mga batang kaibigan sa kanal ng irigasyon nang aksidente itong nadulas at  tuluy-tuloy na nahulog sa malalim na bahagi ng tubig.

Nabatid na masyadong madulas ang pampang ng kanal dahilan sa mga pag-ulan sa nasabing lugar bunsod upang madulas ang bata. Nabigo naman ang mga kapwa nito paslit na masagip ang biktima na tinangay ng malakas na agos. Lumipas ang isang oras bago narekober ang bangkay sa di kalayuan mula sa kinahulugan nito.

Show comments