IT experts kailangan sa pag-review ng election source codes
MANILA, Philippines - Tumulong sa pag-review ng iba’t ibang source codes na gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) sa 2013 elections.
Ito ang naging ang imbitasyon ni Senator Koko Pimentel III sa mga volunteer experts sa larangan ng information technology (IT) bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reform and People’s Participation.
Idinagdag ni Pimentel na anumang butas o hindi tama sa software o hardware ay dapat maitama na sa 2013 at sa mga susunod pang eleksiyon para masiguradong hindi masasabotahe ang mga darating na halalan. Ang “source code” ay tumutukoy sa koleksiyon ng computer instructions na nag-aatas ng mga dapat gawin ng isang computer machine.
- Latest