Importasyon ng manok sa Taiwan, pinagbawal ng DA

MANILA, Philippines - Dahil sa kumakalat na sakit na avian influenza o kilala sa tawag na  bird flu sa mga poultry farms sa Taiwan kaya’t ipinagbawal kahapon ng Department of Agriculture (DA) ang pag-importa ng mga alagang manok at iba pang poultry products mula dito.

Kaugnay nito, inatasan ni DA Secretary Proceso J. Alcala  ang mga veterinary inspectors ng ahensiya na suspendihin ang pag proseso at pagbusisi sa aplikasyon at pagpapalabas ng  clea­rances para sa importasyon ng  poultry products mula sa Taiwan.

Kasama sa mga bawal nai-import ay ang domestic at wild birds kasama na ang poultry meat, day-old chicks, eggs at itlog.

Pinakukumpiska rin ni Alcala sa mga inspectors sa mga pantalan at paliparan ang mga manok at iba pang poultry pro­ducts upang makaiwas na makapasok sa bansa at maingatan ang kalusugan ng poultry population sa Pilipinas, gayundin ang kalusugan ng mga mamamayan.

Noong Mayo 2012 ay bawal na ang importasyon ng manok at poultry pro­ducts sa nasabing bansa para dalhin sa Pilipinas dahil sa birds flu. Subalit noong Agosto 2012 ay nawala na ang sakit sa mga manukan kayat pinayagan na ulit makapag-import ng manok ang Pilipinas sa Taiwan.

Subalit, ngayong Disyembre muling umatake ang birds flu kayat agad na ipinagbawal ng DA ang importasyon.

 

Show comments