MANILA, Philippines - Naghain kahapon ng kanyang certificate of candidacy sa pagkasenador si Bro. Eddie Villanueva, pinuno ng Jesus Is Lord Church Worldwide sa Commission on Elections (Comelec) sa ilalim ng Bangon Pilipinas Party kapalit ni Israel Virgines.
Binawi ni Virgines ang kanyang kandidatura para sa senatorial bid upang bigyan daan ang kandidatura ni Villanueva.
Matatandaang tumakbo si Villanueva noong Mayo 10, 2010 presidential elections, subalit natalo
Pinapayagan ng Comelec ang substitution of candidates hanggang Disyembre 21.
Bago ang paghahain ni Bro. Eddie ng kanyang kandidatura ay isang grupo na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno ang humihimok na tumakbo ito sa pagka-senador.