Higanteng ferris wheel nasa Star City

MANILA, Philippines - Pinaandar na kama­kailan ng Star City ang pinakamalaking tsubibo sa bansa ang Giant Star Wheel, na mahigit 200 talampakan ang taas mula sa lupa.

Noong ika-7 ng Dis­yem­bre na pinasina­yaan ni Vice President Je­jomar Binay kasama ng kanyang mga apo.  Naroon din ang matataas na opsisyales ng Star Parks tulad nina Tha­lassa Elizalde-Del Rosario, Julio Macuja, at Eduardo Cordova, kasama si Engineer Albert Paredes mula sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonino Ca­lixto.

Bawat isa sa 50 gondola ng Giant Star Wheel ay fully airconditioned at mayroong emergency buttons bilang safety precautions.

Show comments