Obispo hindi na ikinagulat ang divorce bill

MANILA, Philippines - Hindi na ikinagulat ng isang Obispo ang pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na isusunod na rin nilang isusulong sa Kamara ang divorce bill.

Ayon kay Malolos Bi­s­hop Jose Oliveros inaasahan na nila ito ang susunod na isasalang ng  Kongreso dahil noon pa man ay lagi nilang sinasabi na kapag naipasa ang RH bill ay isusunod na ang divorce bill, euthanesia, abortion, same sex marriage at iba pang death bills na sisira sa kasagraduhan ng kasal at pamilya.

Nakakalungkot lamang aniya na sa kabila ng kanilang paala-ala ay hindi sila pinakikinggan ng mga ito dahil sa pulitika at impluwensya ng mga da­yuhan na nagsusulong ng death bills.

Nangangamba si Bi­shop Oliveros na posibleng dumating ang araw ay ma­tulad na ang Pilipinas sa Amerika at iba pang bansa sa Europa kung saan ginawang legal ang aborsyon at same sex marraige.

 

Show comments