MANILA, Philippines - Isang Tsinoy trader ang pinagbabaril ng nag-iisang lalaki kamakalawa sa fish port ng bayan ng Datu Piang, Maguindanao.
Namatay noon din ang biktimang si Michael Tan Uy, 38 , dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay kasalukuyang nasa bisinidad ng fish port ang biktima nang pagbabarilin ng suspek na tinukoy ng mga testigo na si Diang Dagadas ng Datu Piang, Maguindanao na mabilis na tumakas.