Firecracker zone ipatutupad sa Caloocan

MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aksidente sa pagsalubong sa Bagong Taon ay mahigpit na ipa­tutupad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang “firecracker zone” sa bawat barangay sa buong lungsod.

Ayon kay Echiverri, ang paraang ito ang naisip ng lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang posibleng aksidente ang mga residente sa pagsalubong ng mga ito sa pagdating ng taong 2013.

Sa pamamagitan ng “firecracker zone”, magtatakda ang lokal na pamahalaan ng mga lugar sa bawat barangay kung saan maaari lamang magpapu­tok ang mga residente upang maiwasan ang maka-aksidente habang nagpapaputok.

Ang sinumang mahu­huli ay nakatakdang parusahan base na rin sa na­kasaad sa batas kaya’t pinayuhan ni Echiverri ang mga residente na sumunod na lamang sa kautusan upang hindi na maperwis­yo.

Show comments