Rice smuggling tutuldukan

MANILA, Philippines - Matuldukan at maparusahan ang nasa likod ng na­gaganap na rice smuggling sa bansa.

Ito ang inihayag ni Bu­reau of Customs (BoC) Com­missioner Rosano “Ruf­fy” Biazon sa pagdalo nito kahapon sa Senado sa patuloy na pagdinig hinggil sa rice smuggling na ang pinakontrobersiyal na kaso ay naganap sa Subic Freeport Zone na kung saan ay sumalang  ang iba’t ibang negosyante ng bigas.

Magugunita na nasabat ng mga tauhan ni Biazon ang tangkang pagpuslit sa bansa ng mga bigas mula sa mga bansang India at Vietnam na aabot sa halagang kalahating bilyon piso, sa pamamagitan nang pagpasok sa Subic Freeport Zone.

Show comments