^

Police Metro

‘Palayan sa paaralan’ isusulong ng DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ang programang ‘Palayan sa Paaralan’.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, sa ilalim ng naturang proyekto na sisimulan sa pagpasok ng susunod na taon, maglalagay ng mga “rice gardens” sa mga piling elementary at high schools sa Metro Manila.

Layunin nito na maituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan at kung paano ang pagtatanim ng palay, na isa sa panguna­hing ikinabubuhay ng mga Pinoy.

Nabatid na unang ipinakilala ni Luistro ang proyekto sa ginawang har­vesting ceremony sa Rizal Park noong nakaraang buwan.

Sa naturang okasyon, may 39 na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ang nakiisa sa pag-ani ng palay sa 300-metro kuwadradong rice garden sa Rizal Park, bilang bahagi ng Rice Awareness Month.

Matatandaang target ng pamahalaan na maging self-sufficient ang bansa sa bigas sa taong 2013 upang hindi na mag-angkat pa mula sa ibang bansa.

Taong 2001 naman nang simulan ang pagtata­nim ng palay sa Rizal Park matapos na maobserbahan na maraming Pinoy, partikular na ang mga taga-lungsod, ang hindi alam kung paano itinatanim o kung ano ang hitsura ng palay.

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE-PHILIPPINE RICE RESEARCH INSTITUTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

ISINUSULONG

LAYUNIN

METRO MANILA

PINOY

RICE AWARENESS MONTH

RIZAL PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with