^

Police Metro

Patay kay Pablo 1,020 na

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng pa­munuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 1,020 ang nasawi sa hagupit at pananalasa ng bagyong “Pablo” habang tumaas naman sa P24.1 billion ang napinsalang ari-arian.

Sa update ng NDRRMC, pumalo na sa 2,662 ang nasugatan habang 844 ang patuloy pang nawawala.

Ang malaking bilang ng nasawi ay may kabuuang 962 na iniulat mula sa Region 11 (Davao Region), 21 sa Caraga Region, 15 sa Region 10 (Northern Min­danao), 10 sa Region 7 (Central Visayas), 4 sa Region 12 (Socsargen), 3 sa Region 8 (Eastern Visa­yas), 4 sa Region 4-B (Mimaropa) at isa sa Region 9 (Zamboanga Peninsula) at Region 6 (Western Visayas).

Ayon sa NDRRMC, si Pablo ay naka-apekto ng may 701,224 pamilya o 6,203,826 indibidwal sa may 2,910 barangay sa 271 bayan at 38 siyudad sa may 32 probinsya.

Sa ngayon ay 230,453 pamilya o 987,349 indibi­duwal ang patuloy pang nanatili sa 60 evacuation centers.

May 12 tulay at apat na kalye ang hindi pa rin nadadaanan habang 30 lugar ang nakakaranas ng pagkawala ng suplay ng kur­yente at anim na lugar ang nakakaranas ng pagkawala ng suplay ng tubig.

Umaabot naman sa P124.56 million ang naibigay na tulong ng gobyerno sa mga pamilyang sinalanta ni Pablo.

 

AYON

CARAGA REGION

CENTRAL VISAYAS

DAVAO REGION

EASTERN VISA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN MIN

REGION

WESTERN VISAYAS

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with