Lolo na may TB tinapos ang sarili

MANILA, Philippines - Tinodas ng isang 67-­anyos na lolo ang kan­yang sarili sa pamamagitan ng pagsaksak kamakalawa ng gabi dahil sa sakit na tuberculosis na iniinda nito ng halos may sam­pung taon naganap sa Pasay City.

Natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Igmidio Villegas, ng no. 1255 R. Cruz St., Malibay, ng lung­sod.

Batay sa pulisya, da­kong alas-6:20 ng gabi nang madiskubre ng isang 8-anyos na bata ang bangkay ng kanyang lolo sa sala ng kanilang bahay kaya’t humingi ng saklolo.

Sa salaysay ng mga anak ng biktima sa pu­lis­ya na madalas umanong sabihin sa kanila ng ka­nilang ama na nais nitong mamatay dahil wala ng kalunasan ang kanyang sakit na tuberculosis at nagpapabalik-balik la­mang sa kabila ng pag­pa­pagamot.

Narekober ng pulisya ang ginamit ng biktima na kitchen knife sa ibabaw ng mesa na itinarak sa dibdib nito.

Show comments