^

Police Metro

Ipakita ang malasakit -ALAM

Angie dela Cruz - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Dapat ay ipakita ngayon ng mga mambabatas ang kanilang malasakit sa mga nasalantang mamamayan sa Visayas at Mindanao na tinamaan ng super typhoon na si ‘Pablo’.

Ayon kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap at Atty. Toto Causing, dapat ay isentro na lamang ng mga mambabatas ang makatulong  sa mga mamamayan na makabangon mula sa pagkasalanta sa  bagyo.

Anila, sa halip na gumasta ang mga mambabatas para lamang makapanood ng laban ni Sarangani Rep Manny Pacquiao at Mexican boxer Manuel Marquez sa Amerika ay tumulong na lamang sa mga biktima ni Pablo.

“Kung ayaw nilang tumulong sa mga sawimpalad na biktima ng bagyo, at least huwag silang maging mayabang at arogante sa paggastos ng kanilang mga dolyares,” ani Yap at Causing.

Iginiit pa ng dalawa, panahon ngayon ng Kapaskuhan kaya mas makabubuting ibigay na lamang nila sa mga biktima ng bagyong Pablo ang gagastusin nilang dolyares  sa Pacquiao-Marquez bout sa US.

ALAB

AMERIKA

ANILA

AYON

CHAIRMAN JERRY YAP

DAPAT

IGINIIT

MANUEL MARQUEZ

SARANGANI REP MANNY PACQUIAO

TOTO CAUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with