Solons iniwanan ang sesyon para sa laban ni Pacman

MANILA, Philippines - Iniwanan ng ilang kongresista ang sesyon sa Kamara upang maka­panood ang mga ito ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa Esta­dos Unidos sa darating na Linggo.

Ayon kay Manila Rep. Amado Bagatsing, chair­man ng House Committee on Games and Amusement may ilang mambabatas na ang bibiyahe patungong US simula ngayong Bi­yer­nes para makahabol sa laban nina Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Tumanggi naman pa­ngalanan ni Bagatsing ang mga kongresistang sa gitna na rin ng mahigpit na bilin ng liderato ng Kamara na pumasok sa plenaryo at dumalo sa sesyon.

Ayon naman kay House Speaker Feliciano Bel­monte Jr., mayroong 16 na kongresista ang binigyan niya ng travel authority papuntang US, pero hindi umano nito alam kung ma­nonood ang mga ito ng laban ni Pacquiao.

Show comments