^

Police Metro

‘Solid North’ reresbak sa sin tax

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na reresbak ang mga botante na tinatawag na ‘solid north’ laban sa mga mambabatas na boboto ng pabor sa mataas na tax sa sigarilyo sa bicame­ral conference committee.

Sinabi ni Enrile may natanggap siyang  impormasyon na ilang opisyal ng gobyerno ang naglo-lobby upang ibaba ang buwis sa alak at mas itaas ang buwis sa sigarilyo. “Makikita ninyo (ang block voting) kung papaano kami gumalaw, kung kami ay gagalaw,” ani Enrile.

Sinabi naman ng Philippine Tobacco Growers Association (PTGA), na titiyakin ng mga tobacco farmers at  growers at kanilang pamil­ya na hindi makakatikim ng boto sa kanila ang mga reeleksiyunistang senador  at mga kongresista na mas papaboran ang mataas na buwis sa sigarilyo.

Matatandaan na una ng nagbabala  ang mga tobacco farmers na kanilang isi-zero vote ang mga reelectio­nist senators sa 2013 midterm elections na papabor sa napakataas na buwis sa lokal na sigarilyo. Nauna na ring nakiusap ang People’s Coalition Against Regressive Taxation (PCART) kay Pangulong Benigno Aquino III na i-veto ang sin tax bill kapalit ang kanilang suporta sa lahat ng kandidato na ieendorso nito lalo na sa mga tumatakbo bilang senador.

 

COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXATION

ENRILE

MAKIKITA

MATATANDAAN

NAUNA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE TOBACCO GROWERS ASSOCIATION

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with