MANILA, Philippines - Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa mga pantalan at paliparan ay bumaba ang pagkalat ng droga sa bansa.
Sa ulat ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon, tinatayang aabot na sa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng mga droga ang nakumpiska ng kanyang mga tauhan na kung saan ay nasa 16 dayuhang
drug courier ang nadakip tulad noong Huwebes na isang Vietnamese national na si Pham Thi Anh Tuyet ang nadakip at nakumpiskahan ng 2.838 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon.
Base sa record, na mula noong 2010 hanggang nitong Nobyembre 29, 2012 ay nakakumpiska na ng 63.523 kilo ng shabu, 19 piraso ng Alprozalam, 8.737 kilo ng cocaine at 19 tablets na MDMA na ang kabuang street value ay nasa P462,743,632.21 at kung isasama ang nakumpiska sa babaeng Vietnamese national ay aabot na sa mahigit kalahating bilyon pisong halaga ng droga ang nasamsam ng BoC.
Idinagdag pa ni Biazon, sa taong 2012 ay maituturing na humina o bumaba ang porsiyento nang pagkalat ng droga sa bansa sanhi nang sunud-sunod na pag-aresto laban sa mga dayuhang drug courier.