MANILA, Philippines - “Sorry hindi ko na kaya salamat sa mga kapatid Vicky, Ding, Jun, Lilly, mga apo ko, lalong lalo si Let Llavis.”
Ito ang iniwang suicide note ng 72-anyos na si Eduardo Taverna, ng Brgy. 4, Caloocan City matapos itong magbaril sa sentido dahil sa hindi makayang sakit na lung cancer kahapon ng alas-3:00 ng madaling-araw.
Nagbigti naman ang biktimang si Meldie Cabudbod, 20, stay-in helper sa bahay ng isang Cholen Awitan dahil sa labis na depresyon sa dinadala umanong sakit na Lupus kahapon sa Quezon City.
Nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktimang nakabitin sa kanyang kuwarto ng isang Aling Carmelita.
Sa labis rin depresyon sa nangyayari sa buhay ang dahilan nang pagbibigti ng biktimang si Arnel Quintong, 37, ng OASIS Condominium, 414 Bldg. 4, Surabaya Oasis Marcos, Highway, Barangay
Dela Paz, Pasig City sa rooftop ng tinitirhang condominium tower sa Pasig City kahapon ng alas- 4:45 ng madaling araw.
Nauna rito, inutusan pa umano ng biktima ang kanilang katulong na ibigay ang kanyang cell phone sa kanyang misis sa sandaling dumating
ito ng bahay at sinabi na ipabasa ang mensahe sa kanyang cell phone na may sorry note.
Pag-uwi ng ginang at pagkabasa sa mensahe sa cell phone ay kaagad nitong hinanap ang mister na natagpuan nilang nakabigti.